Job 18:15
Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Ang kaniyang mga ugat ay matutuyo sa ilalim; sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang mga sanga.
Cross References
Deuteronomy 28:24Gagawing pulbos at alikabok ni Yahweh ang ulan sa inyong lupain; mula sa kalangitan babagsak ito sa inyo, hanggang sa kayo ay madurog.
Job 15:34Dahil ang mga kasamahan ng hindi maka-diyos na tao ay hindi mamumunga; tutupukin ng apoy ang kanilang mga tolda ng panunuhol.
Job 20:18Pagbabayaran niya ang kaniyang mga pinaghirapan; hindi niya ito lulunukin; hindi siya magagalak sa kayamanan na nakuha niya.
Psalms 11:6Nagpapaulan siya ng mga nagbabagang uling at asupre sa mga masasama; nakakapasong hangin ang kanilang magiging bahagi sa kaniyang kopa!
Jeremiah 22:13Aba sa sinuman na magpapatayo ng kaniyang tahanan sa paraan na hindi makatuwiran at ang kaniyang mga silid sa itaas na hindi makatarungan; sapagkat pinagawa niya sa ibang manggagawa, ngunit hindi niya sila binayaran.
Zechariah 5:4'Ipapadala ko ito' — ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo, 'kaya papasok ito sa tahanan ng magnanakaw at sa tahanan ng isang taong nangako ng hindi totoo sa pamamagitan ng aking pangalan. Mananatili ito sa kaniyang tahanan at tutupukin ang tabla at ang mga bato nito.'”