Job 37:24
Kaya, kinatatakutan siya ng mga tao. Hindi niya pinapansin ang mga nag-iisip na matalino sila.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Men do therefore fear him: he respecteth not any that are wise of heart.
In Context
Cross References
Psalms 33:8Hayaan ang buong mundo na matakot kay Yahweh; hayaan ang lahat ng nananahan sa mundo ay mamangha sa kanya.
Ecclesiastes 9:11Nakakita ako ng ilang kawili-wiling bagay sa ilalim ng araw: Ang takbuhan ay hindi para sa mabibilis na tao. Ang labanan ay hindi para sa malalakas na tao. Ang tinapay ay hindi para sa matatalinong tao. Ang kayamanan ay hindi para sa mga taong may pang-unawa. Ang pabor ay hindi para sa mga taong may kaalaman. Sa halip, ang oras at pagkakataon ang nakakaapekto sa kanilang lahat.
Jeremiah 5:22Hindi ba ninyo ako kinatatakutan o manginig sa aking harapan? Naglagay ako ng mga buhangin na hangganan sa dagat, isang patuloy na atas na hindi nito nilalabag, kahit na tumataas at bumababa ang dagat, hindi pa rin nito nilalabag. Kahit pa dumagundong ang mga alon nito, hindi nito nilalagpasan. Ito ang pahayag ni Yahweh.
Jeremiah 33:9Sapagkat ang lungsod na ito ay magiging kagalakan sa akin, isang awit ng papuri at karangalan para sa lahat ng bansa sa daigdig na makaririnig ng lahat ng mabubuting bagay na aking gagawin para dito. At manginginig sila dahil sa lahat ng mabubuting bagay at sa kapayapaang aking ibibigay dito.'
Jonah 1:16Pagkatapos lalong natakot ang mga tao kay Yahweh. Naghandog sila ng mga alay kay Yahweh at gumawa ng mga panata.
Matthew 11:25Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata.