Job 42:8
Kaya ngayon, kumuha kayo ng pitong toro at pitong tupa, pumunta kayo sa aking lingkod na si Job, at mag-alay ng handog na susunugin. Ang aking lingkod na si Job ay ipapanalangin kayo, at tatanggapin ko ang kaniyang panalangin, para hindi ko kayo parusahan dahil sa inyong kamangmangan. Hindi ninyo sinabi ang totoo tungkol sa akin, katulad ng ginawa ng aking lingkod na si Job.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 20:17Pagkatapos, nanalangin si Abraham sa Diyos at pinagaling ng Diyos si Abimelech, ang kanyang asawa, at kanyang mga babaeng alipin para sila ay tuluyan ng magkaroon ng anak.
Numbers 23:1Sinabi ni Balaam kay Balak, “Gumawa ka ng pitong altar dito para sa akin at maglaan ka ng pitong toro at pitong lalaking tupa.
Numbers 23:29Sinabi ni Balaam kay Balak, “Magtayo ka para sa akin ng pitong altar dito at maghanda ng pitong toro at pitong lalaking tupa.”
1 Chronicles 15:26Sapagkat tinulungan ng Diyos ang mga Levita na nagbuhat sa kaban ng tipan ni Yahweh, naghandog sila ng pitong toro at pitong tupa.
Job 1:5Pagkatapos ng mga araw ng pista, sila ay ipinapatawag at muli silang itatalaga ni Job sa Diyos. Babangon siya nang maagang-maaga at mag-aalay ng sinunog na handog para sa bawat kaniyang mga anak, dahil iniisip niya na, “Marahil nagkasala ang aking mga anak at isinumpa ang Diyos sa kanilang mga puso.” Ito ay laging ginagawa ni Job.
Job 35:8Maaaring makasakit ang iyong kasamaan sa tao, na katulad mo at maaring pakinabangan ng ibang mga anak ng tao ang iyong katuwiran.