Job 7:16
Kinasusuklaman ko ang aking buhay; Hindi ko hinahangad na patuloy akong mabuhay; hayaan mo akong mag-isa dahil walang silbi ang aking mga araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
I loathe it; I would not live alway: let me alone; for my days are vanity.
In Context
15kaya pipiliin ko ang magbigti at kamatayan sa halip na panatilihin pang buhay ang aking mga buto.
17Ano ang tao na dapat bigyan mo ng pansin, na dapat iyong ituon ang isip sa kaniya,
Cross References
Genesis 27:46Sinabi ni Rebeca kay Isaac, “Ako ay pinanghihinaan sa buhay dahil sa mga anak na babae ni Heth. Kung kunin ni Esau na asawa ang isa sa mga anak ni Heth, tulad ng mga kababaihang ito, ilan sa mga anak na babae ng lupain, ano pa ang kabuluhan ng buhay ko?”
Job 3:20Bakit pa ibinigay ang liwanag sa isang taong naghihirap, bakit pa ibinigay ang buhay sa taong ang kaluluwa ay puno ng pait;
Job 9:21Ako ay walang kapintasan pero wala na akong pakialam sa aking sarili; kinasusuklaman ko ang sarili kong buhay.
Job 10:20Hindi ba kaunti na lang ang aking mga araw? Kung gayon ay tapusin na, hayaan akong mag-isa, para magkaroon naman ako ng kaunting pahinga
Psalms 39:6Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
Psalms 39:13Ibaling mo ang iyong pagtitig mula sa akin para muli akong makangiti bago ako mamatay.”