Job 7:21
Bakit hindi mo mapatawad ang aking mga pagsuway at alisin ang aking kasamaan? Sa ngayon ako ay hihiga sa alikabok; maingat mo akong hahanapin, pero wala na ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Samuel 24:10Pagkatapos nagdalamhati ang puso ni David matapos niyang bilangin ang mga kalalakihan. Kaya sinabi niya kay Yahweh, “Nagkasala ako nang matindi sa paggawa nito. Ngayon, Yahweh, alisin mo ang pagkakasala ng iyong lingkod, sapagkat kumilos ako nang may labis na kahangalan.”
Job 7:8Ang mata ng Diyos, na nakikita ako, ay hindi na muli ako makikita; Ang mga mata ng Diyos ay tutuon sa akin pero hindi na ako mabubuhay.
Job 10:14na kung ako ay nagkasala, napapansin mo ito; Hindi mo ako ipapawalang-sala sa aking mga kasamaan.
Job 14:10Pero ang tao ay namamatay; nagiging mahina; sa katunayan nga, nalalagutan ng hininga ang tao, at kung gayon nasaan siya?
Job 20:8Lilipad siya palayo tulad ng panaginip at hindi na masusumpungan; itataboy siya palayo katulad ng pangitain sa gabi.
Psalms 37:36Pero nang ako ay dumaan muli, siya ay wala na roon. Hinanap ko siya, pero hindi na siya matagpuan.