Joel 3:11
Magmadali kayo at pumarito, kayong mga karatig bansa at magtipun-tipon kayo.' Ipadala mo doon ang iyong mga malalakas na mandirigma, Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 103:20Bigyang papuri si Yahweh kayong mga anghel na napakalakas at sumusunod sa kanyang salita, na masunurin sa kanyang mga kautusan.
Isaiah 13:3Inutusan ko ang aking mga banal, oo, tinawag ko ang malalakas kong mandirigma para isagawa ang aking galit, pati ang malalakas kong mandirigma ay matutuwa.
Ezekiel 38:9Kaya sasalakay ka na gaya ng pagdating ng isang bagyo; magiging katulad ka ng isang ulap na babalot sa lupain, ikaw at ang lahat ng iyong mga pangkat, lahat ng napakaraming kawal na kasama mo.
Micah 4:12Sinabi ng propeta, Hindi nila alam ang mga kaisipan ni Yahweh, ni nauunawaan man ang kaniyang mga plano, sapagkat tinipon niya sila na gaya ng mga bigkis para sa giikan.
Zechariah 14:2Sapagkat titipunin ko ang bawat bansa laban sa Jerusalem para sa isang labanan, at masasakop ang lungsod! Sasamsamin ang mga tahanan at gagawan ng karahasan ang mga kababaihan. Bibihagin ang kalahati ng lungsod, ngunit ang mga matitirang tao ay hindi pupuksain mula sa lungsod.
Revelation 16:14Dahil sila ay mga espiritu ng demonyo na gumagawa ng mga kamangha-manghang tanda. Pupunta sila para tipunin ang mga hari ng buong mundo para sa digmaan sa dakilang araw ng Diyos, siya na namumuno sa lahat.