Joel 3:2
titipunin ko ang lahat ng mga bansa at dadalhin sila pababa sa bayan ni Jehoshafat. Hahatulan ko sila doon, dahil sa aking mga tao at ang aking tagapagmanang Israel na kanilang ikinalat sa mga bansa at dahil hinati-hati nila ang aking lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Chronicles 20:26Sa ika-apat na araw, nagtipun-tipon sila sa lambak ng Beracah. Doon sila nagpuri kay Yahweh, kaya ang pangalan ng lugar na iyon ay “Lambak ng Beracah” hanggang sa araw na ito.
Jeremiah 12:14Ito ang sinasabi ni Yahweh laban sa lahat ng aking mga kapwa, ang mga taong masasama na sumira sa aking mga pag-aari na ipinamana ko sa aking mga taong Israelita, “Tingnan ninyo, ako ang siyang bubunot sa kanila mula sa kanilang sariling lupain at bubunutin ko ang sambahayan ng Juda mula sa kanila.
Jeremiah 49:1Tungkol sa mga tao ng Ammon, ito ang sinasabi ni Yahweh, “Wala bang mga anak ang Israel? Wala bang magmamana ng anumang bagay sa Israel? Bakit naninirahan si Molek sa Gad at naninirahan ang kaniyang mga tao sa mga lungsod nito?
Ezekiel 35:10Iyong sinabi, “Itong dalawang bansa at itong dalawang lupain ay magiging akin, at aangkinin namin ang mga ito,” nang kasama nila si Yahweh.
Ezekiel 38:22At hahatulan ko sila sa pamamagitan ng salot, dugo, napakalakas na mga ulan, at malalaking yelo ng apoy. Pauulanin ko ng asupre sa kaniya at sa kaniyang mga pangkat at sa maraming mga tao na kasama niya.
Joel 3:12Hayaan mong gisingin ng mga bansa ang kanilang mga sarili at pumunta sa lambak ni Jehoshafat. Sapagkat doon ako uupo upang hatulan ang lahat ng nakapalibot na mga bansa.