John 11:24
Sinabi ni Marta sa kaniya, “Alam ko na muli siyang babangon sa muling pagkabuhay sa huling araw.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
Martha saith unto him, I know that he shall rise again in the resurrection at the last day.
In Context
23Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ang kapatid mo ay babangong muli.”
Cross References
Psalms 49:14Itinatalaga sila tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan.
Isaiah 26:19Ang iyong patay ay mabubuhay; ang aming mga patay na katawan ay babangon. Ang mga namalagi sa alikabok; gising na at umawit ng may galak dahil ang iyong hamog ay hamog ng halamang damo, at ang mundo ay ibabagsak ang patay, ang mga sisilain.
Daniel 12:2Marami sa mga natutulog sa alabok ng daigdig ang babangon, ang ilan ay sa walang hanggang buhay at ang ilan ay sa kahihiyan at walang hanggang pagdurusa.
Hosea 13:14Ililigtas ko ba talaga sila mula sa kapangyarihan ng sheol? Ililigtas ko ba talaga sila mula sa Kamatayan? Kamatayan, nasaan ang iyong mga salot? Dalhin mo sila rito. Sheol, nasaan ang iyong pagwawasak? Dalhin mo ito dito. Nakatago mula sa aking mga mata ang kahabagan.”
Luke 14:14at ikaw ay pagpapalain dahil hindi ka nila mababayaran. Sapagkat ikaw ay mababayaran sa muling pagkabuhay ng mga matuwid.”
Acts 17:31Ito ay dahil itinakda na niya ang araw kung kailan niya hahatulan ang mundo sa katuwiran sa pamamagitan ng taong kaniyang pinili. Pinatunayan ito ng Diyos sa lahat ng tao, sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya sa mga patay.”