John 12:29
Pagkatapos ang maraming mga tao na nakatayo sa malapit at nakarinig nito ay nagsabi na kumulog. Sinabi ng iba, “Isang anghel ang nagsalita sa kaniya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:18Nakita ng mga tao ang pagkulog at ang pagkidlat at narinig ang tunog ng trumpeta at nakitang umuusok ang bundok. Nang makita ito ng mga tao, nanginig sila at tumayo sa malayo.
Job 40:9Mayroon ka bang bisig na katulad ng sa Diyos? Kaya mo bang magpakulog sa boses na katulad ng sa kaniya?
Acts 23:8Dahil sinasabi ng mga Saduceo na walang muling pagkabuhay ng mga patay, walang mga anghel, at walang mga espiritu, ngunit sinasabi ng mga Pariseo na mayroon ng lahat na ito.
Revelation 8:5Kinuha ng anghel ang mangkok ng insenso at pinuno ito ng apoy mula sa altar. Pagkatapos ibinato niya ito sa lupa, at nagkaroon ng salpukan ng mga kulog, mga dagungdong, at mga kislap ng kidlat at isang lindol.
Revelation 14:2Narinig ko ang tinig mula sa langit na tila isang dagundong ng maraming tubig at malakas na kulog. Ang tunog na narinig ko ay tulad din ng mga manunugtog na tumutugtog ng kanilang mga alpa.