John 13:18
Hindi ako nagsasalita tungkol sa inyong lahat, dahil alam ko ang aking mga pinili — ngunit sinasabi ko ito upang ang kasulatan ay maganap: 'Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
17Kung alam mo ang mga bagay na ito, pinagpala ka kung ginagawa mo ang mga ito.
19Sinasabi ko ito ngayon sa inyo upang kung ito ay mangyayari, maniniwala kayo na AKO NGA.
Cross References
Psalms 41:9Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.
Matthew 26:23Sumagot siya, “Ang sinumang kasabay kong sumawsaw ng kaniyang kamay ay siyang magkanulo sa akin.
John 6:70Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ko ba kayo pinili, na Labindalawa, at ang isa sa inyo ay isang diyablo?”
John 13:26At sumagot si Jesus, “Iyong aking ipagsasawsaw ng pirasong tinapay at bibigyan. “Nang kaniyang isawsaw ang tinapay, ibinigay niya ito kay Judas na anak ni Simon Iscariote.
John 15:19Kung kayo ay sa mundo, mamahalin kayo ng mundo bilang sa kaniya; ngunit dahil hindi kayo sa mundo, at dahil pinili ko kayo mula sa mundo, sa kadahilanang ito kayo ay kinamumuhian ng mundo.
John 21:17Sinabi ni Jesus sa ikatlong pagkakataon, “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Nalungkot si Pedro dahil sinabi sa kanya ni Jesus ng ikatlong beses, “Mahal mo ba ako?” Sinabi niya sa kaniya, “Panginoon, alam mo ang lahat ng mga bagay; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking tupa”.