John 15:24
Kung hindi ko sana ginawa sa kanilang kalagitnaan ang mga gawain na hindi pa nagawa ninuman; hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan, ngunit ngayon, pareho na nilang nakita at kinamuhian ako at ang aking Ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
23Ang namumuhi sa akin ay namumuhi rin sa akin Ama.
Cross References
Exodus 20:5Huwag dapat kayong yuyukod sa kanila o sambahin sila, dahil Ako, si Yahweh na inyong Diyos, ay selosong Diyos. Paparusahan ko ang kasamaan ng mga ninuno sa pamamagitan ng pagpapadala ng kaparusahan sa mga kaapu-apuhan, patungo sa ikatlo at ikaapat na salinlahi sa mga galit sa akin.
Psalms 81:15Nawa ang mga napopoot kay Yahweh ay yumuko nang may takot sa harap niya! Nawa sila ay mapahiya magpakailanman.
Matthew 9:33Nang mapalayas na ang demonyo, ang lalaking pipi ay nakapagsalita. Ang mga tao ay namangha at nagsabi, “Kailan man ay hindi pa ito nakita sa Israel!” Ngunit sinabi ng mga Pariseo,
Matthew 11:20At sinimulang sawayin ni Jesus ang mga lungsod kung saan nangyari ang karamihan sa mga makapangyarihan niyang gawa dahil sila ay hindi nagsisi.
Mark 2:12Bumangon siya at kaagad kinuha ang kaniyang higaan at lumabas siya sa bahay na iyon sa harap ng lahat, kaya't silang lahat ay namangha at niluwalhati ang Diyos, at kanilang sinabi, “Kailanman ay hindi pa kami nakakita ng katulad nito.”
Luke 19:37Nang palapit na siya sa libis ng Bundok ng mga Olibo, ang buong karamihan ng mga alagad ay nagsimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga kamangha-manghang gawa na kanilang nakita,