John 16:2
Palalayasin nila kayo sa mga sinagoga; tunay nga na darating ang oras na ang sinumang papatay sa inyo ay mag-aakalang gumagawa siya ng mabuting gawain para sa Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
1Sinabi ko ang mga bagay na ito sa inyo upang hindi kayo matisod.
3Gagawin nila ang mga bagay na ito dahil hindi nila nakikilala ang Ama o ako.
Cross References
Isaiah 65:5Sinasabi nila, 'Lumayo kayo, huwag kayong lalapit sa akin dahil ako ay mas banal kaysa sa inyo.' Ang mga bagay na ito ay parang usok sa aking ilong, isang apoy na nagniningas buong maghapon.
Matthew 10:28Huwag kayong matakot sa mga pumapatay ng katawan ngunit walang kakayahang pumatay ng kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa kaniya na kayang makapupuksa ng kaluluwa at katawan sa impyerno.
Luke 6:22Pinagpala kayo kung kayo ay kinamumuhian ng mga tao at kung kayo ay ihinihiwalay at itinuturing ang inyong pangalan na masama alang-alang sa Anak ng Tao.
John 9:22Sinabi ito ng kaniyang mga magulang sapagkat takot sila sa mga Judio. Sapagkat nagkasundo na ang mga Judio na kung sinumang magpahayag na si Jesus ay ang Cristo, dapat siyang palayasin sa sinagoga.
John 12:42Gayunpaman, maraming mga pinuno ang naniwala kay Jesus, pero dahil sa mga Pariseo, hindi nila inaamin ito upang hindi sila ipagbawal sa sinagoga.
Acts 6:13Nagdala sila ng mga bulaang saksi, na nagsabi, “Hindi tumitigil ang lalaking ito sa pagbigkas sa mga salitang laban sa banal na dakong ito at sa kautusan.