John 17:1
Sinabi ni Jesus ang mga bagay na ito; pagkatapos, tumingala siya sa langit at sinabi, “Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak—
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Psalms 123:1Sa iyo ko itataas ang aking mga mata, ikaw na nakaupo sa kalangitan.
Mark 14:41Bumalik siya sa pangatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa rin ba kayo at nagpapahinga? Tama na! Dumating na ang oras. Tingnan ninyo! Ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.
Luke 22:53Nang kasama ko kayo araw-araw sa templo, hindi ninyo ako dinakip. Ngunit ito ang inyong oras, at ang kapangyarihan ng kadiliman.”
John 7:39Ngunit sinabi niya ito tungkol sa Espiritu na tatanggapin ng mga mananampalataya sa kaniya; ang Espiritu ay hindi pa naibibigay dahil si Jesus ay hindi pa nalululwalhati.
John 11:4Nang marinig ito ni Jesus, sinabi niya, “Ang karamdamang ito ay hindi magtatapos sa kamatayan, sa halip ito ay para sa kaluwalhatian ng Diyos upang ang Anak ng Diyos ay maluwalhati sa pamamagitan nito.”
John 12:23Sinagot sila ni Jesus at sinabi, “Ang oras ay dumating na upang ang Anak ng Tao ay luwalhatiin.