John 17:21
upang lahat sila ay maging isa, na gaya mo, Ama, ay nasa akin, at ako ay nasa iyo. Ipinapanalangin ko na sila rin ay magig isa sa atin upang ang mundo ay maniwala na isinugo mo ako.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Jeremiah 32:39Bibigyan ko sila ng isang puso at isang paraan upang parangalan ako sa bawat araw kaya magiging mabuti ito para sa kanila at sa magiging mga kaapu-apuhan nila.
Ezekiel 37:22Gagawin ko silang isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at magkakaroon ng isang hari na maghahari sa kanilang lahat, at hindi na sila kailanman magiging dalawang bansa; hindi na sila kailanman mahahati sa dalawang kaharian.
Zechariah 14:9Si Yahweh ang magiging hari sa buong mundo. Sa araw na iyon, naroon si Yahweh, ang nag-iisang Diyos, at ang kaniyang pangalan lamang.
John 3:17Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.
John 10:16Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
John 10:38“Subalit, kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo manampalataya sa akin, maniwala kayo sa mga gawain upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa sa akin at ako ay nasa sa Ama.”