John 18:1
Pagkatapos sabihin ni Jesus ang mga salitang ito, lumabas siya kasama ang kaniyang mga alagad sa Lambak ng Cedron, kung saan mayroong isang hardin na kaniyang pinasok, siya at ang kaniyang mga alagad.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:23Kaya pinalabas sila ni Yahweh na Diyos mula sa hardin ng Eden, para bungkalin ang lupa kung saan siya kinuha.
2 Samuel 15:23Umiyak ng malakas ang buong bansa habang dumadaan ang lahat ng tao sa Lambak Kidron at habang tumatawid din mismo ang hari. Naglakbay ang lahat ng tao sa daan patungong ilang.
2 Kings 23:6Inilabas niya ang poste ni Asera mula sa templo ni Yahweh, sa labas ng Jerusalem sa Lambak ng Kidron at sinunog ito roon. Ipinadurog niya ito at itinapon ang mga abo na iyon sa mga libingan ng mga karaniwang tao.
2 Chronicles 15:16Inalis din niya sa pagiging reyna si Maaca na kaniyang lola dahil gumawa siya ng kasuklam-suklam na imahe ng diyosang si Ashera. Giniba ni Asa ang kasuklam-suklam na imahe, dinurog niya iyon at sinunog sa batis ng Kidron.
Jeremiah 31:40Ang buong lambak ng libingan at mga abo at ang lahat ng mga parang sa Kapatagan ng Kidron hanggang sa sulok ng Tarangkahan ng Kabayo sa silangan ay ilalaan para sa akin, kay Yahweh. Hindi na ito kayang hugutin o kaya patumbahing muli.
Matthew 26:36Pagkatapos, pumunta si Jesus na kasama sila sa isang lugar na tinawag na Getsemani at sinabi sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo dito habang ako ay pupunta doon at manalangin.”