John 18:17
Pagkatapos, sinabi ng babaeng lingkod na nagbabantay sa pinto kay Pedro, “Hindi ba isa ka rin sa mga alagad ng lalaking ito?” Sinabi niya, “Hindi.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 26:69Ngayon si Pedro ay nakaupo sa labas ng patyo at isang utusang babae ang lumapit sa kaniya at sinabi, “Kasama ka din ni Jesus na taga-Galilea.”
Luke 22:54Dinakip siya, itinaboy siya palayo, at dinala sa bahay ng pinakapunong pari. Ngunit sumunod si Pedro sa di-kalayuan.
John 18:5Sumagot sila sa kaniya “Si Jesus ng Nazaret.” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako iyon.” Si Judas, na siyang nagkanulo sa kaniya, ay nakatayo rin kasama ng mga sundalo.
John 18:16ngunit nakatayo si Pedro sa pinto sa labas. Kaya ang isa pang disipulo, na kilala ng pinakapunong pari, ay lumabas at kinausap ang babaeng lingkod na nagbabantay ng pinto, at ipinasok si Pedro.
John 21:15Pagkatapos nilang mag-agahan, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro, “Simon anak ni Juan, mas mahal mo ba ako kaysa sa mga ito?” Sinabi ni Pedro sa kaniya, “Oo, Panginoon; alam mo na mahal kita.” Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Pakainin mo ang aking mga tupang bata.”