John 19:31
Noon ay Paghahanda, at upang hindi manatili ang katawan sa krus habang Araw ng Pamamahinga, (sapagkat ang Araw ng Pamamahinga ay isang mahalagang araw), hiniling ng mga Judio kay Pilato na ang mga binti ng mga lalaking ipinako ay baliin, at ibaba na ang kanilang mga katawan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:16Sa unang araw magkakaroon ng isang pagpupulong para ilaan sa akin, at sa ika-pitong araw magkakaroon ng ibang ganoong pagtitipon. Walang trabahong gagawin sa mga araw na ito, maliban sa pagluluto para sa makakain ng lahat. Iyon lang dapat ang trabaho na maaari ninyong gawin.
Deuteronomy 21:22Kung ang isang tao ay nakagawa ng isang kasalanan na karapat dapat para sa kamatayan at patayin siya, at ibitin ninyo siya sa isang puno,
Joshua 10:26Pagkatapos sinalakay at pinatay ni Josue ang mga hari. Ibinitin niya sila sa ibabaw ng limang puno. Nakabitin sila sa mga puno hanggang gabi.
Micah 3:3kayo rin na kumakain ng laman ng aking mga tao at pumipilas ng kanilang balat, bumabali ng kanilang mga buto at tumatadtad sa mga ito, tulad ng karne sa palayok, tulad ng karne sa kaldero.
Mark 15:42Nang gumabi na, dahil ito ay araw ng Paghahanda, na ang araw bago ang Araw ng Pamamahinga,
John 19:14Ngayon, ito ay ang araw ng paghahanda para sa Paskwa, nang mag-iika-anim na oras. Sinabi ni Pilato sa mga Judio, “Tingnan ninyo, narito ang inyong hari!”