John 4:19
Ang sabi ng babae sa kaniya, “Ginoo, nakikita kong ikaw ay isang propeta.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
The woman saith unto him, Sir, I perceive that thou art a prophet.
In Context
Cross References
2 Kings 5:26Sinabi ni Eliseo kay Gehazi, “Hindi ba kasama mo ang espiritu ko nang huminto ang karwahe ng lalaking iyon para salubungin ka? Ito ba ang oras para tumanggap ng pera, damit, mga olibong halamanan at mga ubasan, mga tupa, mga baka, at mga lingkod na lalaki at babae?
Matthew 21:11Ang mga tao ay sumagot, “Si Jesus ito na propeta, na taga-Nazaret ng Galelia.”
Luke 7:39Nang makita ito ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, inisip niya sa kaniyang sarili, na nagsasabi, “Kung ang taong ito ay isang propeta, malalaman niya sana kung sino at anong klaseng babae ang humahawak sa kaniya, na siya ay isang makasalanan.”
John 1:48Sinabi sa kaniya ni Nataniel, “Papaano mo ako nakikilala?” Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Bago ka tawagin ni Felipe, nang nasa ilalim ka ng puno ng igos, nakita na kita.”
John 6:14At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
John 9:17Kaya tinanong nilang muli ang lalaking bulag, “Ano ang masasabi mo tungkol sa kaniya dahil pinadilat niya ang iyong mga mata?” Sinabi ng lalaking bulag, “Siya ay isang propeta.”