John 5:40
at hindi ninyo gustong lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And ye will not come to me, that ye might have life.
In Context
41Hindi ako tumatanggap ng papuri mula sa mga tao,
Cross References
Isaiah 49:7Ito ang sinasabi ni Yahweh, ang Tagapagligtas ng Israel, ang kanilang Banal, sa isang hinamak ang buhay, kinamuhian ng mga bansa, at isang alipin ng mga pinuno, “Makikita ka ng mga hari at tatayo sila, at makikita ka ng mga prinsipe at luluhod sila, dahil kay Yahweh na tapat, kahit ang Banal ng Israel, na pumili sa iyo.”
Isaiah 53:1Sino ang maniniwala sa aming narinig? At ang bisig ni Yahweh, kanino ito ipinahayag?
Matthew 23:37Jerusalem, Jerusalem, kayo na pumatay sa mga propeta at bumato sa mga sinugo ko sa inyo! Madalas kong ninais na tipunin ang mga anak mo, gaya ng inahin na nililikom ang kaniyang mga sisiw sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit hindi kayo sumang-ayon!
John 3:19Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa.
John 6:27Tumigil kayo sa pagtrabaho para sa pagkaing nasisira, ngunit pagtrabahuhan ang pagkaing mananatili pang habang-buhay na ibibigay sa inyo ng Anak ng Tao, sapagkat inilagay ng Diyos Ama ang kaniyang tatak sa kaniya.
John 6:40Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.