John 6:30
Kaya sinabi nila sa kaniya, “Kung gayon anong tanda ang gagawin mo na maari naming makita at maniwala sa iyo? Ano ang gagawin mo?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
29Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
Cross References
Exodus 4:8Sinabi ni Yahweh, “Kung hindi sila maniniwala sa iyo—kung hindi nila bibigyang pansin ang unang palatandaan ng aking kapangyarihan o maniniwala dito, pagkatapos paniniwalaan nila ang ikalawang palatandaan.
1 Kings 13:5Nahati din ang altar, at ibinuhos ang mga abo mula sa altar, tulad ng inilarawan sa pamamagitan ng palatandaan na ibinigay ng lingkod ng Diyos sa pamamagitan ng salita ni Yahweh.
Isaiah 7:11“Humingi ka ng tanda ni Yahweh, ang iyong Diyos; hingin mo ito sa kailaliman o sa kataas-taasan.”
Matthew 16:1Lumapit ang mga Pariseo at Saduseo at sinubok si Jesus sa pamamagitan ng paghingi sa kaniya na ipakita sa kanila ang isang palatandaan mula sa langit.
Mark 15:32Hayaan nating bumaba mula sa krus ang Cristo, ang Hari ng Israel, nang makita natin at mapaniwala tayo.” Pati ang mga kasama niyang nakapako sa krus ay nilalait rin siya.
John 2:18Pagkatapos ay tumugon ang mga may katungkulang Judio, sinasabi sa kaniya, “Anong tanda ang ipapakita mo sa amin dahil ginagawa mo ang mga bagay na ito?”