John 6:39
At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 25:29At kahit na tugisin ka ng mga kalalakihan para kunin ang iyong buhay, gayon pa man ang buhay ng aking panginoon ay matatali sa mga nabubuhay sa pamamagitan ni Yahweh na inyong Diyos, at aalisin niya ang mga buhay ng iyong mga kaaway, gaya ng nasa bulsa ng isang tirador.
Luke 12:32Huwag matakot, maliit na kawan, dahil ang inyong Ama ay lubos na nalulugod na ibigay sa inyo ang kaharian.
John 6:37Lahat ng ibibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin, at ang lalapit sa akin ay hinding hindi ko itataboy.
John 6:44Walang taong maaaring makalapit sa akin maliban na lamang kung ilapit siya ng Ama na siyang nagsugo sa akin, at ibabangon ko siya sa huling araw.
John 10:27Naririnig ng aking tupa ang aking boses; kilala ko sila, at sila ay sumusunod sa akin.
John 12:48Ang sinumang tumanggi sa akin at hindi tumatanggap ng aking mga salita ay mayroong isang hahatol sa kaniya, ito ay ang salita na aking sinabi na siyang hahatol sa kaniya sa huling araw.