John 6:5
Nang tumanaw si Jesus at nakita ang napakaraming taong lumalapit sa kaniya, sinabi niya kay Felipe, “Saan tayo makabili ng tinapay upang ang mga taong ito ay makakain?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
4(Ngayon ang Paskwa na kapistahan ng mga Judio ay malapit na).
Cross References
Matthew 14:14At dumating si Jesus na nauna sa kanila at nakita ang maraming tao. Nahabag siya sa kanila at pinagaling ang mga may sakit sa kanila.
Mark 6:34Nang makarating na sila sa dalampasigan, nakita niya ang napakaraming tao at nahabag siya sa kanila dahil para silang mga tupa na walang pastol. At sinimulan niyang magturo sa kanila ng maraming bagay.
Luke 9:12Nang patapos na ang araw, lumapit sa kaniya ang Labindalawa at sinabi, “Pauwiin mo na ang mga tao upang sila ay makapunta sa mga kalapit na nayon at kabukiran upang makapaghanap ng matutuluyan at makakain sapagkat tayo ay nasa ilang na lugar.”
John 4:35Hindi ba sinasabi ninyo, 'Mayroon pang apat na buwan at pagkatapos darating ang anihan'? Sinasabi ko sa inyo, tingnan ninyo at pagmasdan ang mga kabukiran, dahil ang mga iyon ay hinog na upang anihin!