John 7:31
Subalit, marami sa mga tao ang sumampalataya sa kaniya. Sinabi nila, “Kapag dumating ang Cristo, gagawa ba siya ng mas maraming tanda kaysa sa mga ginawa ng taong ito?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Matthew 11:3at sinabi nito sa kaniya, “Ikaw na nga ba Ang Darating o mayroon pang ibang tao na dapat naming hanapin?”
Luke 8:13At ang mga nahulog sa mabatong lupa ay ang mga tao na, nang marinig nila ang salita, tinanggap nila ito nang may galak, ngunit sila ay walang anumang mga ugat; sila ay maniniwala nang panandalian at pagkatapos, sa panahon ng pagsubok, sila ay tumiwalag.
John 2:23Ngayon nang siya ay nasa Jerusalem, habang pista ng Paskwa, marami ang naniwala sa kaniyang pangalan, nang nakita nila ang ginawa niyang mapaghimalang tanda.
John 4:39Marami sa mga Samaritano sa lunsod na yun ang nananampalataya sa kaniya dahil sa ulat ng babae na nagpapatotoo, “Sinabi niya sa akin ang lahat ng aking nagawa.”
John 6:14At nang makita ng mga tao ang tandang ito na kaniyang ginawa, sinabi nila, “Ito ang tunay na propeta na siyang darating sa mundo.”
John 9:16Sinabi ng ilang mga Pariseo, “Ang taong ito ay hindi galing sa Dios dahil hindi niya tinutupad ang Araw ng Pamamahinga.” Sinabi ng iba, “Papaanong makakagawa ng ganyang mga pangitain ang isang tao na iyon na makasalanan?” Kaya nagkaroon ng pagkakabaha-bahagi sa kanilang kalagitnaan.