John 7:52
Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Nanggaling ka din ba sa Galilea? Saliksikin at tingnan mo na walang propetang manggagaling sa Galilea. “
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
53[Pagkatapos bawat tao ay nagtungo sa kanilang sariling bahay.
Cross References
Genesis 19:9Sabi nila, “Tumabi ka!” Sinabi rin nila, “Ang taong ito ay dumating dito sa ating lugar bilang isang dayuhan at ngayon siya ay naging hukom natin! Mas malala pa ang gagawin namin sa iyo kaysa sa kanila.” Tinulak nila nang malakas ang lalaki, si Lot, at lumapit para sirain ang pinto.
1 Kings 22:24Pagkatapos si Zedekias anak na lalaki ni Cananaa, ay umakyat, sinampal si Micaya sa pisngi, at sinabi, “Aling daan ang tinahak ng Espiritu ni Yahweh para umalis sa akin upang magsalita sa iyo?”
Isaiah 9:1Mapapawi ang lungkot ng siyang nasa pagdadalamhati. Sa nakaraang panahon, pinahiya niya ang lupain ng Zebulun at ang lupain ng Neftali, pero sa darating na panahon ay gagawin niya itong maluwalhati, ang landas tungo sa dagat, ang malayong dako mula sa Jordan, ang Galilea ng mga bansa.
John 1:46Sinabi ni Nathanael, “Maaari bang may magandang bagay na magmula sa Nazaret?” Sinabi ni Felipe sa kaniya, “Halika at tingnan mo.”
John 9:34Sumagot sila at sinabi sa kaniya, “Ikaw ay pawang ipinanganak sa mga kasalanan, at tinuturuan mo kami ngayon?” Pagkatapos ay pinalabas nila siya sa sinagoga.