John 8:55
Hindi niyo siya nakikila, pero kilala ko siya. Kung sasabihin ko, 'Hindi ko siya kilala,' maitutulad ako sa inyo na sinungaling. Subalit, kilala ko siya at tinutupad ko ang kaniyang salita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
56Ang iyong amang si Abraham ay nagalak na nakikita ang araw ko; nakita niya ito at natuwa.”
Cross References
Jeremiah 9:3Ipinahayag ni Yahweh, “Nagsasabi ang kanilang mga dila ng mga kasinungalingan, na kanilang mapanlinlang na sandata, ngunit hindi sila dakila sa katapatan sa lupa. Patuloy silang gumagawa ng masama sa iba. Hindi nila ako kilala.”
Matthew 11:27Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.
John 1:18Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.
John 7:28Sumisigaw si Jesus sa loob ng templo, nagtuturo at nagsasabi, “Kilala ninyo ako at alam ninyo kung saan ako nanggaling. Hindi ako pumarito sa aking sarili, ngunit ang nagsugo sa akin ay totoo at hindi niyo siya kilala.
John 8:29Ang nagsugo sa akin ay nasa akin, at hindi niya ako iniwang mag-isa, dahil palagi kong ginagawa ang mga bagay na nakakalugod sa kaniya.”
John 8:51Tunay nga, sinabi ko sa inyo, kung sinuman ang tutupad ng aking salita, hindi niya kailanman makikita ang kamatayan.