Jonah 1:3
Subalit bumangon si Jonas at tumakbo palayo mula sa presensya ni Yahweh at nagtungo sa Tarsis. Bumaba siya sa Joppa at nakakita ng isang barko patungong Tarsis. Kaya nagbayad siya ng pamasahe at sumakay sa barko upang sumama sa kanila patungong Tarsis, palayo mula sa presensya ni Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 3:8Narinig nila ang tunog ni Yahweh na Diyos na naglalakad sa hardin sa kalamigan ng araw, kaya ang lalaki at ang kanyang asawa ay nagtago mula sa presensya ni Yahweh na Diyos sa mga punong-kahoy ng hardin.
Exodus 4:13Pero sinabi ni Moises, “Panginoon, pakiusap magpadala ka nalang ng iba, sinuman ang gusto mong ipadala.”
1 Kings 19:3Nang marinig iyon ni Elias, bumangon siya at umalis para sa kaniyang buhay at pumuta sa Beer-seba, na bahagi ng Juda, at iniwan ang kaniyang mga lingkod doon.
2 Chronicles 2:15At ngayon, ang trigo at ang sebada, ang langis at ang alak na sinabi ng aking panginoon, ipadala ninyo ang mga ito sa inyong mga lingkod.
2 Chronicles 9:21Ang hari ay may pangkat ng mga barko sa karagatan kasama ang mga barko ni Hiram. Minsan sa bawat ika-tatlong taon, nagdadala ang pangkat ng mga barko ng ginto, pilak at garing at ng mga gorilya at malalaking unggoy.
Job 2:7Kaya umalis si Satanas sa presensiya ni Yahweh at nilagyan ng mga malubhang pigsa si Job mula sa kaniyang talampakan hanggang sa bumbunan.