Jonah 1:6
Kaya pumunta ang kapitan sa kaniya at sinabi sa kanya, “Anong ginagawa mong natutulog? Bumangon ka! Tumawag ka sa iyong diyos! Marahil mapapansin tayo ng iyong diyos at hindi tayo mamamatay.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Esther 4:16“Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay.”
Psalms 107:6Pagkatapos tumawag sila kay Yahweh sa kanilang pagkabalisa, at sinagip niya sila mula sa kagipitan.
Psalms 107:18Nawalan sila ng pagnanais na kumain ng kahit na anong pagkain at napalapit sila sa mga tarangkahan ng kamatayan.
Isaiah 3:15Bakit niyo dinudurog ang mga tao at inginungudngod ang mukha ng mahihirap?” Ito ang pahayag ng Panginoon, si Yahweh ng mga hukbo.
Ezekiel 18:2“Ano ang ibig mong sabihin, ikaw na gumamit ng kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel at nagsasabi, 'Ang mga ama na kumain ng mga maaasim na ubas, at ang ngipin ng mga anak ay nangilo?'
Amos 5:15Kamuhian ang kasamaan, ibigin ang mabuti, magtatag kayo ng katarungan sa tarangkahan ng lungsod. Baka sakaling mahabag si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, sa mga nalalabi ni Jose.