Joshua 1:8
Palagi kang magsasalita tungkol sa aklat ng batas na ito. Pagbubulay-bulayan mo ito sa araw at gabi para masunod mo ang lahat na nakasulat dito. Sa gayon magiging maunlad ka at matagumpay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:63Lumabas si Isaac upang magnilaynilay sa bukid sa gabi. Nang tumingala siya at nakita, masdan, mayroong mga kamelyong parating!
Deuteronomy 5:29O, na ipagpatuloy nawa nila ang ganitong puso na nasa kanila, na parangalan nila ako at patuloy na sundin ang aking mga utos, nawa ay makabuti ito para sa kanila at sa kanilang mga anak magpakailanman!
Deuteronomy 6:6Ang mga salita na aking iniutos sa inyo ngayon ay nasa inyong puso;
Deuteronomy 17:18Kapag siya ay nakaupo sa trono ng kaniyang kaharian, dapat siyang sumulat para sa kaniyang sarili sa isang balumbon ng isang kopya ng batas na ito, mula sa batas na mula sa mga pari, na mga Levita.
Deuteronomy 29:8Kinuha natin ang kanilang lupain at binigay ito bilang pamana sa mga lipi ni Reuben, sa mga lipi ni Gad, at sa kalahating lipi ni Manasses.
Deuteronomy 30:14Pero ang salita ay napakalapit sa inyo, nasa inyong bibig at nasa inyong puso, para inyong magawa ito.