Joshua 10:12
Pagkatapos nakipag-usap si Josue kay Yahweh sa araw na iyon na binigyan ni Yahweh ng tagumpay ang kalalakihan ng Israel laban sa mga Amoreo. Ito ang sinabi ni Josue kay Yahweh sa harap ng Israel, “Araw, manatili sa Gabaon, at buwan, sa lambak ng Ajalon.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 4:19Maging maingat kayo kapag titingala kayo sa kalangitan at titingnan sa araw, buwan, o mga bituin—lahat ng mga hukbo sa kalangitan— maging maingat kayo na hindi mapalayo para sumamba at pakamahalin ang mga ito—ang mga bagay na iyon na itinalaga ni Yahweh na inyong Diyos doon para sa lahat ng mga tao na nasa ilalim ng buong himpapawid.
Joshua 10:13Ang araw ay nanatili pa rin, at ang buwan tumigil sa paggalaw hanggang ang bansa ay naghiganti sa kanilang mga kaaway. Hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ni Jashar? Nanatili ang araw sa gitna ng langit; hindi ito bumaba sa isang buong araw.
Joshua 21:24Ajalon kasama ang mga lupang pastulan nito, Gatrimon kasama ang mga lupang pastulan nito—apat na lungsod lahat.
1 Samuel 12:18Kaya tumawag si Samuel kay Yahweh; at sa parehong araw na iyon nagpadala si Yahweh ng kulog at ulan. Pagkatapos labis na natakot ang lahat ng mga tao kina Yahweh at Samuel.
2 Kings 20:9Sumagot si Isaias, “Ito ang magiging tanda para sa iyo mula kay Yahweh, na gagawin ni Yahweh ang bagay na kaniyang sinabi. Dapat bang humakbang ang anino ng sampung hakbang pasulong, o sampung hakbang pabalik?”
2 Kings 20:11Kaya tumawag si Isaias kay Yahweh, at dinulot niya ang anino na humakbang ng sampung beses pabalik, mula sa pinanggalingan nito sa hagdan ni Ahaz.