The Bible Software
bible.software › Joshua › Joshua 10 › Joshua 10:40

Joshua 10:40

Nasakop ni Josue ang lahat ng lupain, ang maburol na bansa, ang Negev, ang mga kapatagan, at ang mga mababang burol. Sa lahat ng kanilang mga hari wala siyang iniwang nakaligtas. Tuluyan niyang winasak ang bawat nabubuhay na bagay, gaya ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, na iniutos.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

So Joshua smote all the country of the hills, and of the south, and of the vale, and of the springs, and all their kings: he left none remaining, but utterly destroyed all that breathed, as the LORD God of Israel commanded.

In Context

39Nasakop niya ito at ang hari, at ang lahat ng mga katabing nayon nito. Sinalakay nila ang mga ito gamit ang espada at tuluyang winasak ang bawat nabubuhay na nilalang dito. Hindi nag-iwan ng mga nakaligtas si Josue, gaya ng ginawa niya sa Hebron at ang hari nito, gaya ng ginawa niya sa Libnah at ang hari nito.

41Sinalakay sila ni Josuegamit ang espada mula Kades Barnea hanggang Gaza, at lahat ng bansa sa Gosen hanggang Gabaon.

Read all of Joshua 10

Cross References

Exodus 23:31Itatakda ko ang iyong mga hangganan mula sa Dagat ng mga Tambo patungo sa Dagat ng Palestina, at mula sa ilang patungo sa Ilog Eufrates. Ibibigay ko sa iyo ang tagumpay laban sa mga naninirahan sa lupain. Palalayasin mo sila sa harapan mo.

Exodus 23:33Hindi sila dapat manirahan sa iyong lupain o gagawin ka nilang makasalanan laban sa akin. Kung sambahin mo ang kanilang diyos, siguradong ito ay magiging bitag para sa iyo.”

Numbers 13:17Ipinadala sila ni Moises upang suriin ang lupain ng Canaan. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa Negev at umakyat kayo sa maburol na lugar.

Deuteronomy 2:34Kinuha natin ang lahat ng kaniyang mga lungsod nang oras na iyon, at winasak natin ng ganap ang bawat lungsod na pinamumuhayan, kasama ng mga kababaihan at mga batang maliliit, wala tayong itinira.

Deuteronomy 7:24Ilalagay niya ang kanilang mga hari sa ilalim ng inyong kapangyarihan, at buburahin ang kanilang pangalan mula sa ilalim ng langit. Walang sinuman ang maaaring tumayo sa harapan ninyo, hanggang sa mawasak ninyo sila.

Deuteronomy 26:16Sa araw na ito si Yahweh na inyong Diyos ay inuutusan kayong sundin ang mga batas at panuntunang ito; sa gayon panatilihin ninyo ang mga ito at gawin ng inyong buong puso at inyong buong kaluluwa.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Joshua 10:40

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Joshua 10:39Joshua 10Joshua 10:41 →