Joshua 10:6
Ang bayan ng Gabaon ay nagpadala ng isang mensahe kay Josue at sa mga hukbo sa Gilgal. Sinabi nila, “Magmadali kayo! Huwag ninyong alisin ang inyong mga kamay sa inyong mga alipin. Umakyat kayo rito ng mabilisan at iligtas kami. Tulungan ninyo kami, dahil ang lahat ng hari ng mga Amoreo na nakatira sa maburol na bansa ay nagtipon ng sama-sama para salakayin kami.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 5:10Nagkampo ang bayan ng Israel sa Gilgal. Ipinagdiwang nila ang Paskua sa ikalabing apat na araw ng buwan, sa gabi, sa mga kapatagan ng Jerico.
Joshua 9:8Sinabi nila kay Josue, Kami ay inyong mga lingkod.” Sinabi ni Josue sa kanila, “Sino kayo? Saan kayo nagmula?”
Joshua 9:24Sumagot sila kay Josue at sinabi, “Dahil sinabi ito sa inyong mga lingkod na inutusan ni Yahweh na inyong Diyos ang kaniyang lingkod na si Moises na ibigay sa inyo ang buong lupain, at wasakin ang lahat ng naninirahan sa lupain sa iyong harapan—kaya labis kaming natakot para sa aming mga buhay dahil sa inyo. Kaya iyan ang dahilan kung bakit ginawa namin ang bagay na ito.
2 Kings 4:24Pagkatapos, sinakyan niya ang asno at sinabi sa kaniyang alipin, “Bilisan mo ang pagmamaneho; huwag kang babagal hangga't hindi ko sinasabi.”
Isaiah 33:22Dahil si Yahweh ay ating hukom, si Yahweh ay ating tagapagbigay ng batas, si Yahweh ay ating hari; ililigtas niya tayo.