Joshua 11:16
Sa gayo'y sinakop ni Josue ang buong lupaing yaon, ang lupaing maburol, at ang buong Timugan, at ang buong lupain ng Gosen, at ang mababang lupain, at ang Araba, at ang lupaing maburol ng Israel, at ang mababang lupain niyaon;
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 34:2Iutos mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Pagpasok ninyo sa lupain ng Canaan, (na ito ang lupaing mahuhulog sa inyo na pinakamana, ang lupain ng Canaan ayon sa mga hangganan niyaon),
Deuteronomy 34:2At ang buong Nephtali at ang lupain ng Ephraim at ng Manases, at ang buong lupain ng Juda hanggang sa dagat kalunuran,
Joshua 10:41At sinaktan sila ni Josue mula sa Cades-barnea hanggang sa Gaza, at ang buong lupain ng Gosen, hanggang sa Gabaon.
Joshua 11:21At naparoon si Josue nang panahong yaon at nilipol ang mga Anaceo mula sa lupaing maburol, sa Hebron, sa Debir, sa Anab, at sa buong lupaing maburol ng Juda, at sa buong lupaing maburol ng Israel: nilipol silang lubos ni Josue sangpu ng kanilang mga bayan.
Ezekiel 17:23Sa bundok na kaitaasan ng Israel ay aking itatanim: at magsasanga at magbubunga, at magiging mainam na cedro: at sa lilim niyao'y tatahan ang lahat na ibon na ma'y iba't ibang uri; sa lilim ng mga sanga niyaon magsisitahan sila.
Ezekiel 36:8Nguni't, kayo, Oh mga bundok ng Israel, inyong isusupling ang inyong mga sanga, at magbubunga sa aking bayang Israel; sapagka't sila'y malapit nang dumating.