Joshua 11:8
Ibinigay ni Yahweh ang kaaway sa kamay ng Israel, at sinaksak nila sila ng espada at hinabol sila sa Sidon, Misrepot Maim, at sa lambak ng Mispa sa silangan. Sinalakay nila sila gamit ang espada hanggang walang nakaligtas sa kanila ang natira.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 49:13Titira si Zebulon sa tabing-dagat. Magiging daungan siya ng mga barko at aabot ang kanyang hangganan sa Sidon.
Deuteronomy 9:3Kaya alamin sa araw na ito, na si Yahweh na inyong Diyos ang siyang mangunguna sa harapan ninyo katulad ng isang lumalamong apoy; wawasakin niya sila, at sila ay ibabagsak niya sa inyong harapan; para palayasin ninyo sila palabas at agad silang mamatay, gaya ng sinabi ni Yahweh sa inyo.
Joshua 11:3Nagpadala rin siya ng isang mensahe sa mga Cananaeo sa silangan at kanluran, ang mga anak ni Het, ang mga Perezeo, ang mga Jebuseo sa maburol na bansa, at ang mga Hivita sa Bundok Hermon sa lupain ng Mispa.
Joshua 19:28Pagkatapos nagpatuloy ito sa Ebron, Rehob, Hammon, at Kana, hanggang kasing layo ng Pinakamalaking Sidon.
2 Samuel 24:6Dumating sila sa Galaad at sa lupain ng Tatim Hodsi, pagkatapos sa Dan Jaan at paikot papuntang Sidon.