Joshua 20:8
Lampas ng Jordan sa silangan ng Jerico, pinili nila ang Bezer sa ilang na nasa talampas mula sa lipi ni Ruben; Ramot Galaad, mula sa lipi ni Gad; at Golan sa Bashan, mula sa lipi ni Manases.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 21:27Mula sa kalahating lipi ni Manases, hanggang sa angkan ng Gerson, ito ang ibang mga angkan ng Levita, at ibinigay nila ang Golan sa Basan kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya, kasama ang Beestera at ang mga lupang pastulan nito—dalawang lungsod lahat.
Joshua 21:38Mula sa lipi ni Gad ibinigay sa kanila ang Ramot sa Galaad kasama ang mga lupang pastulan nito—isang kanlungang lungsod para sa sinumang nakapatay ng isa pa nang hindi sinasadya—at Mahanaim kasama ang mga lupang pastulan nito.
1 Kings 22:6Pagkatapos pinagtipon-tipon ng hari ng Israel ang mga propeta, na apat na daang mga lalaki, at sinabi sa kanila, “Dapat ba akong pumunta sa Ramot Galaad para makipaglaban, o hindi dapat?” Sinabi nila, “Lumusob tayo, dahil ilalagay ito ng Panginoon sa kamay ng hari.”
1 Chronicles 6:78Ibinigay din sa kanila ang kabilang bahagi ng Jordan at Jerico, sa gawing silangan ng ilog, ang Bezer na nasa ilang kasama ang mga pastulan nito, ang Jaza,