Joshua 21:4
Ibinigay ang resulta ng palabunutang ito para sa mga angkan ng mga Kohatita: ang mga pari— ang mga kaapu-apuhan ni Aaron na mula sa mga Levita— tumanggap ng labing tatlong lungsod na ibinigay mula sa lipi ni Juda, mula sa lipi ni Simeon, at mula sa lipi ni Benjamin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 6:16Narito ang naitalang mga pangalan ng mga anak na lalaki ni Levi, kasama ng kanilang mga kaapu-apuhan. Sila ay sina Gerson, Kohath, at Merari. Nabuhay si Levi hanggang siya ay 137 taong gulang.
Joshua 21:8Kaya ibinigay ng bayan ng Israel ang mga lungsod na ito, kasama ang kanilang mga lupang pastulan, sa mga Levita sa pamamagitan ng mga palabunutan, gaya ng inutos ni Yahweh sa pamamagitan ng kamay ni Moises.
Joshua 24:33Si Eleazar na anak na lalaki ni Aaron ay namatay din. Inilibing nila siya sa Gibeah, ang lungsod ni Finehas na kaniyang anak na lalaki, na ibinigay sa kaniya. Iyon ay nasa maburol na lugar ng Efraim.
1 Chronicles 6:54Ang mga sumusunod ay ang mga lugar na itinalaga sa mga kaapu-apuhan ni Aaron. Sa mga angkan ni Kohat (sila ang unang itinalaga sa pamamagitan ng palabunutan).