Joshua 22:20
Hindi ba si Acan anak na lalaki ni Zera, ang sumira ng pananampalataya sa kahalagahan ng mga bagay na iyon na nakalaan para sa Diyos? At hindi ba bumagsak ang poot sa buong bayan ng Israel? Hindi lamang ang lalaking iyon ang mag-isang napahamak dahil sa kaniyang kasamaan.'”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:1Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
Joshua 7:18Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.
Job 35:8Maaaring makasakit ang iyong kasamaan sa tao, na katulad mo at maaring pakinabangan ng ibang mga anak ng tao ang iyong katuwiran.
2 Peter 2:6At pinulbos ng Diyos ang mga lungsod ng Sodoma at Gomora at hinatulan sila ng pagkawasak, bilang halimbawa kung ano ang darating sa mga hindi maka-diyos.