Joshua 22:25
Dahil ginawa ni Yahweh ang Jordan na isang hangganan sa pagitan namin at ninyo. Kayong bayan ng Ruben at bayan ng Gad, wala kayong anumang bagay na ginawa kay Yahweh.' Kaya ang inyong mga anak ay maaaring gawing patigilin ang aming mga anak para sambahin si Yahweh.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Samuel 26:19Samakatuwid ngayon, nagmakaawa ako sa iyo, hayaang pakinggan ng aking panginoon na hari ang mga salita ng kanyang lingkod. Kung si Yahweh na nag-udyok sa iyo laban sa akin, hayaan siyang tumanggap ng isang handog; ngunit kung mga tao ito, nawa'y isumpa sila sa paningin ni Yahweh, dahil sa araw na ito inilayo nila ako, na hindi dapat ako kumapit sa pamana ni Yahweh, na kanilang sinabi sa akin, “Sumamba ka sa ibang mga diyos.”
1 Kings 12:16Nang makita ng buong Israel na hindi sila pinakinggan ng hari, sinagot siya ng mga tao at sinabi, “Anong bahagi mayroon kami kay David? Wala kaming mana sa anak ni Jesse! Umuwi kayo sa inyong mga tolda, Israel. Ngayon pangalagaan mo ang sarili mong bahay, David.” Kaya nagbalik ang Israel sa kanilang mga tolda.
1 Kings 14:16Pababayaan niya ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, ang mga kasalanan na kaniyang ginawa, at sa pamamagitan na nagdulot ng kasalanan sa bayang Israel para magkasala.”
Ezra 4:2Dahil dito, nilapitan nila si Zerubabel at ang mga pinuno ng bawat angkan. At sinabi sa kanila, “Hayaan ninyo kaming sumama sa pagtatayo ninyo dahil katulad ninyo, sinasaliksik din namin ang inyong Diyos at nag-aalay din kami sa kaniya mula sa panahon ni Esar-haddon, na hari ng Asiria, na siyang nagdala sa amin sa lugar na ito “
Psalms 16:5Ikaw ang aking bahagi at ang aking kopa, O Yahweh. Hawak mo aking tadhana.