Joshua 23:1
At pagkatapos ng maraming araw, nang mabigyan ni Yahweh ng kapahingahan ang Israel mula sa lahat ng kanilang mga kaaway na nakapalibot sa kanila, napakatanda na ni Josue.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 31:2Sinabi niya sa kanila, “Isang daan at dalawampung taong gulang na ako; hindi na ako maaaring makalabas at makakpasok; Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hindi ka na tatawid sa Jordan.'
Joshua 13:1Ngayon matanda na si Josue at nasa ganap ng mga taon nang sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Matanda ka na at marami ng taon ang iyong dinaanan, pero napakarami pa ring lupain ang bibihagin.
Joshua 22:4Ngayon si Yahweh na inyong Diyos ang nagbigay ng kapahingahan sa inyong mga kapatid na lalaki, gaya ng ipinangako niya sa kanila. Kaya bumalik kayo at pumunta sa inyong mga tolda sa lupaing pag-aari ninyo, na ibinigay sa inyo ni Moises na lingkod ni Yahweh sa kabilang bahagi ng Jordan.
1 Kings 1:1Matandang-matanda na si Haring David. Binalutan nila siya ng mga damit, pero hindi siya naiinitan.
1 Chronicles 27:1Ito ang talaan ng mga pinuno ng pamilya ng mga Israelita, mga pinuno ng libo-libo at daan-daan, gayun din ang mga pinuno ng hukbo na naglilingkod sa hari sa iba't ibang paraan. Bawat pangkat ng mga hukbo ay naglilingkod sa bawat buwan sa buong taon. Sa bawat pangkat ay mayroong 24, 000 na mga kalalakihan.
2 Chronicles 14:5Tinanggal din niya sa lahat ng lungsod ng Juda ang mga dambana at ang mga altar na sunugan ng insenso. Naging mapayapa ang kaharian sa kaniyang pamamahala.