Joshua 3:1
Maagang bumangon si Josue, at umalis sila mula sa Sittim. Dumating sila sa Jordan, siya at ang lahat ng bayan ng Israel, at nagkampo sila roon bago sila tumawid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
2Pagkaraan ng tatlong araw, naglibot ang mga opisyales sa gitna ng kampo;
Cross References
Genesis 22:3Kaya maagang bumangon kinaumagahan si Abraham, inihanda ang kanyang asno, at isinama ang dalawa sa kanyang mga kabataang lalaki, kasama si Isaac na kanyang anak. Nagsibak siya ng kahoy para sa handog na susunugin, at naglakbay patungo sa lugar na sinabi ng Diyos sa kanya.
Joshua 2:1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
Joshua 6:15Maaga silang gumising nang magbubukang liwayway nang ikapitong araw at nagmartsa sila palibot ng lungsod ayon sa nakasanayan nila, sa pagkakataong ito pitong ulit. Sa araw na ito sila nagmartsa palibot ng slungsod nang pitong ulit.
Joshua 8:10Bumangon ng madaling araw si Josue at inihanda ang kaniyang mga sundalo, si Josue at ang mga nakatatanda ng Israel, at sinalakay nila ang bayan ng Ai.
1 Samuel 17:20Bumangon si David ng maaga kinaumagahan at iniwan ang kawan ng tupa sa pangangalaga ng isang pastol. Kinuha niya ang mga gamit at umalis, gaya ng iniutos ni Jesse sa kanya. Pumunta siya sa kampo habang lumalabas ang hukbo sa larangan ng digmaan na isinisigaw ang sigaw pandigma.
Jeremiah 7:13Kaya ngayon dahil sa paggawa ninyo ng lahat ng mga kaugaliang ito, ito ang pahayag ni Yahweh, 'Paulit-ulit ko kayong sinabihan ngunit hindi kayo nakinig. Tinawag ko kayo ngunit hindi kayo sumagot.