Joshua 3:10
Sa pamamagitan nito malalaman ninyo na kasama ninyo ang buhay na Diyos at paaalisin mula sa inyong harapan ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Hivita, ang mga Perezeo, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, at ang mga Jebuseo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:21ang mga Amoreo, ang mga Cananeo, ang mga Gergeseo at mga Jebuseo.”
Exodus 17:7Tinawag niya ang lugar na iyon na Massah at Meribah dahil sa pagrereklamo ng mga Israelita at dahil sinubukan nila ang Diyos sa pamamagitan ng pagsabing, “Kasama ba natin si Yahweh o hindi?”
Exodus 33:2Ipapadala ko ang isang anghel sa inyo, at itataboy ko palabas ang mga Cananaeo, Amoreo, Heteo, Perezeo, Hivita, at Jebuseo.
Numbers 15:28Dapat maghandog ang pari ng pambayad ng kasalanan sa harapan ni Yahweh para sa taong nagkasala nang hindi sinasadya. Patatawarin ang taong iyon kapag maghandog ng pambayad ng kasalanan.
Deuteronomy 7:1Kapag dinala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lupain na inyong pupuntahan para angkinin at paalisin ang maraming mga bansa sa inyong harapan - ang mga anak ni Heth, ang mga Gergeseo, ang mga Amoreo, ang mga Canaaneo, ang mga Perezeo, ang mga Heveo at ang mga Jebuseo-pitong bansang lalong malaki at malalakas kaysa sa inyo;
Deuteronomy 31:17Pagkatapos, sa araw na iyon, ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, at iiwanan ko sila, ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila, at sasakmalin sila. Maraming mga sakuna at kaguluhan ang mapapa sa kanila, para kanilang sabihin sa araw na iyon, 'Ang mga sakuna ba ito ay natagpuan ako dahil ang ating Diyos ay wala sa aming kalagitnaan?'