Joshua 3:16
ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 14:3Ang limang mga hari ay nagsama-sama sa Lambak ng Sidim (na tinatawag ding Dagat Asin).
Exodus 14:29Gayunman, naglakad ang mga Israelita sa tuyong lupa sa gitna ng dagat. Ang tubig ay naging isang pader para sa kanila sa kanang kamay at sa kanilang kaliwa.
Numbers 34:3ang inyong hangganan sa timog ay aabot mula sa ilang ng Sin sa may hangganan ng Edom. Ang silangang dulo ng timog na hangganan ay magiging nasa isang linya na magtatapos sa gawing hangganan ng timog ng Dagat Asin.
Deuteronomy 3:17Isa pa sa mga hangganan nito ay ang kapatagan din ng lambak ng Ilog Jordan, mula sa Cineret hanggang sa Dagat ng Araba (iyon ay, ang Dagat Asin), hanggang sa mga matarik na bundok ng Pisga na pasilangan.
Joshua 4:22Sabihin sa inyong mga anak, 'Dito ay kung saan pinatawid ang Israel sa tuyong lupa sa Jordan.'
Joshua 12:3Pinamunuan din ni Sihon ang Araba patungo sa Dagat ng Cinneret, sa silangan, patungo sa Dagat ng Araba (ang Dagat ng Asin) patungong silangan, hanggang sa Beth Jesimot at patungong timog, patungo sa paanan ng mga libis ng Bundok Pisga.