Joshua 4:10
Tumayo ang mga paring nagbuhat ng kaban sa kalagitnaan ng Jordan hanggang ang lahat ng iniutos ni Yahweh kay Josue para sabihin sa bayan ay masunod, ayon sa lahat ng iniutos ni Moises kay Josue. Nagmadali tumawid ang mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:39Naghurno sila ng tinapay na walang lebadura sa ilalim ng masa na dinala nila mula sa Ehipto. Ito ay walang lebadura dahil sila ay pinalayas sa Ehipto at hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng pagkain.
Deuteronomy 31:9Isinulat ni Moises ang kautusang ito at ibinigay ito sa mga pari, sa mga anak na lalaki ni Levi, na nagdala sa kaban ng tipan ni Yahweh; binigay din niya ang mga kopya nito sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel.
Joshua 3:16ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay nanatili sa isang tambakan. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa malalayong lugar. Tumigil sa pagdaloy ang tubig mula sa Adam, ang lungsod na nasa tabi ng Zaretan, pababa sa karagatan ng Negeb, ang Dagat na Asin. At tumawid ang mga tao malapit sa Jerico.
Joshua 24:11Tumawid kayo sa Jordan at nakarating sa Jericho. Nakipaglaban ang mga pinuno ng Jerico laban sa inyo, kasama ang mga Amoreo, ang mga Perizeo, ang mga Cananaeo, ang mga Heteo, ang mga Girgaseo, ang mga Hivita, at ang mga Jebuseo. Pinagtagumpay ko kayo sa kanila at nilagay sila sa ilalim ng inyong pamamahala.
Proverbs 27:1Huwag ipagyabang ang patungkol bukas, dahil hindi mo alam kung ano ang maaaring dala ng isang araw.
Isaiah 28:16Kaya sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo: Maglalagay ako ng isang pundasyong bato sa Sion, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. Siya na naniniwala ay hindi mapapahiya.