Joshua 4:3
Ibigay sa kanila ang kautusang ito: 'Kumuha ng labindalawang bato mula sa gitna ng Jordan kung saan nakatayo ang mga pari sa tuyong lupa, at dalhin ninyo ang mga iyon at ilapag ang mga iyon sa lugar kung saan kayo ngayon magpapalipas ng gabi.”'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 28:22Pagkatapos ang batong ito na itinayo ko bilang isang haligi ay magiging banal na bato. Mula sa lahat ng ibinigay mo sa akin, tiyak na ibabalik ko sa iyo ang ikasampung bahagi.”
Joshua 3:13Kapag nakaapak na sa tubig ng Jordan ang mga talampakan ng mga paring may dala ng kaban ng tipan ni Yahweh, ang Panginoon ng buong mundo, mahahati ang tubig ng Jordan, at kahit na ang daloy ng tubig na salungat sa agos ay hihinto sa pagdaloy at mananatili sila sa isang tambakan.
Joshua 4:19Umahon ng Jordan ang mga tao sa ikasampung araw ng unang buwan. Nanatili sila sa Gilgal, silangan ng Jerico.
1 Samuel 7:12Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bato at itinayo ito sa pagitan ng Mizpa at Shen. Pinangalanan niya itong Ebenezer, sinasabing, “Hanggang sa ngayon tinulungan pa rin kami ni Yahweh.”
Psalms 103:2Binibigyang papuri ko si Yahweh ng buong buhay ko, at naaalala ko ang lahat ng kanyang mga mabubuting gawa.