Joshua 4:6
Magiging isa itong palatandaan sa inyong kalagitnaan para sa inyo kapag nagtanong ang inyong mga anak sa mga darating na mga araw, 'Ano ang kahulugan ng mga batong ito sa inyo?'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 12:14Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
Exodus 13:9Magsisilbi itong paalala para sa inyo sa inyong kamay, at isang paalala sa inyong noo. Para mapasainyong bibig itong batas ni Yahweh, dahil nakalabas kayo mula sa Ehipto sa pamamagitan ng malakas na kamay ni Yahweh.
Exodus 31:13“Sabihin mo sa mga Israelita: 'Dapat ninyong panatilihing tiyak ang mga Araw ng Pamamahinga ni Yahweh, dahil ito ang magiging tanda sa pagitan niya at sa inyo sa buong salinlahi ng iyong bayan kaya malalaman ninyo na siya ay si Yahweh, siyang nagtakda sa iyo para sa kaniya.
Deuteronomy 6:20Kung tatanungin kayo ng inyong mga anak pagdating ng panahon, sa pagsasabing, 'Anong ibig sabihin sa mga bagay na ito—ang tipan ng mga kautusan, ang mga batas, at ang ibang mga kautusan na iniutos ni Yahweh na ating Diyos?'
Joshua 4:21Sinabi niya sa bayan ng Israel, “Kapag tinanong ng inyong mga kaapu-apuhan ang kanilang mga ama sa darating na mga panahon, 'Ano ang mga batong ito?'
Psalms 44:1Narinig ng aming mga tainga, O Diyos, ang sinabi ng aming mga ninuno sa amin tungkol sa ginawa mo sa kanilang mga araw, noong unang panahon.