Joshua 5:1
Pagkarinig ng lahat ng hari ng mga Amoreo sa kanlurang dako ng Jordan, at lahat ng hari ng mga Cananaeo, na nasa baybayin ng Malaking Dagat, na pinatuyo ni Yahweh ang tubig sa Jordan hanggang nakatawid ang bayan ng Israel, natunaw ang kanilang mga puso, at walang anumang espiritu sa kanila dahil sa mga Israelita.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 10:15Si Canaan ang naging ama ni Sidon, na kanyang panganay, at ni Heth,
Genesis 15:18Sa araw na iyon gumawa si Yahweh ng tipan kay Abram, na nagsasabing, “Ibinibigay ko sa iyong kaapu-apuhan ang lupaing ito, mula sa ilog ng Ehipto patungo sa dakilang ilog ng Eufrates, ang Eufrates—
Exodus 15:14Narinig ng bayan, at sila ay nanginginig; takot ang babalot sa mga naninirahan sa Filistia.
Numbers 13:29Naroon ang mga tahanan ng mga Hiteo, Jebuseo, at mga Amoreo sa burol na lugar. Naninirahan ang mga Cananeo malapit sa dagat at sa tabi ng Ilog Jordan.”
Joshua 2:11Sa pagkarinig namin nito, natunaw ang aming mga puso at walang tapang ang naiwan sa sinuman—dahil si Yahweh na inyong Diyos, siya ang Diyos sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba.
Joshua 3:17Nakatayo sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan ang mga paring nagbuhat ng kaban ng tipan ni Yahweh hanggang nakatawid na ang lahat ng bayan ng Israel sa tuyong lupa.