Joshua 5:14
Sinabi niya, “Wala sa alinman. Dahil ako ang pinuno ng hukbo ni Yahweh. Ngayon naparito ako.” Pagkatapos nagpatirapa si Josue sa lupa para sumamba at sinabi sa kaniya, “Ano ang sinasabi ng aking panginoon sa kaniyang lingkod?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:17Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya?
Exodus 4:13Pero sinabi ni Moises, “Panginoon, pakiusap magpadala ka nalang ng iba, sinuman ang gusto mong ipadala.”
Leviticus 9:24Lumabas ang apoy mula kay Yahweh at tinupok ang handog na susunugin at ang taba sa altar. Nang makita ito ng lahat ng mga tao, sumigaw sila at nagpatirapa.
Numbers 16:45“Lumayo ka mula sa harapan ng sambayanang ito upang malipol ko sila agad-agad.” Pagkatapos nagpatirapa sina Moises at Aaron.
Joshua 20:1Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Josue,
1 Samuel 3:10Dumating si Yahweh at tumayo; tumawag siya tulad ng ibang mga pagkakataon, “Samuel, Samuel.” Pagkatapos sinabi ni Samuel, “Magsalita ka, sapagka't nakikinig ang iyong lingkod.”