Joshua 5:6
Naglakbay ang bayan ng Israel sa loob ng apatnapung taon sa ilang hanggang ang lahat ng tao, iyon ay, lahat ng kalalakihang mandirigma na nakalabas sa Ehipto ay namatay, dahil hindi nila sinunod ang tinig ni Yahweh. Ipinangako ni Yahweh sa kanila na hindi niya sila hahayaang makita ang lupaing ipinangako niya sa kanilang mga ninuno na ibibigay sa amin, isang lupaing umaapaw ang gatas at pulot.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:17Nangako akong kukunin kayo mula sa pagmamalupit sa Ehipto patungo sa lupain ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot.
Numbers 14:29Babagsak ang inyong mga patay na katawan sa ilang na ito, lahat kayong nagreklamo laban sa akin, kayong nabilang na sa sensus, ang kabuoang bilang ng mga tao mula sa dalawampung taon pataas.
Numbers 14:35Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'”
Deuteronomy 2:7Dahil pinagpala kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa lahat ng gagawin ng inyong kamay; alam niya ang inyong paglalakbay sa malawak na ilang na ito. Dahil sa loob ng apatnapung mga taon na ito si Yahweh na inyong Diyos ay kasama ninyo, at hindi kayo nagkulang sa anumang bagay.”'
Deuteronomy 8:4Ang inyong kasuotan ay hindi naluluma sa inyo, at hindi namaga ang inyong mga paa sa loob ng apatnapung taong iyon.
Joshua 24:7Nang tumawag ang inyong mga ninuno kay Yahweh, nagdulot siya ng kadiliman sa pagitan ninyo at ng mga taga-Ehipto. Pinagsama niya ang tubig ng dagat at sila ay natabunan. Nakita ninyo kung ano ang ginawa ko sa Ehipto. Pagkatapos namuhay kayo sa ilang ng mahabang panahon.