Joshua 6:22
Pagkatapos sinabi ni Josue sa dalawang lalaking nagmanman sa lupain, “Puntahan ang bahay ng bayarang babae. Dalhin palabas ang babae at lahat ng kasama niya, ayon sa inyong sumpa sa kaniya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 2:14Sinabi ng mga lalaki sa kaniya, “Buhay namin para sa inyong buhay, kahit hanggang kamatayan! Kung hindi mo sasabihin ang aming pakay, kaya, kapag ibinigay ni Yahweh ang lupaing ito magiging mahabagin kami at matapat sa iyo.”
Joshua 9:15Gumawa ng kapayapaan si Josue sa kanila at gumawa ng isang taimtim na pangakong pinagtibay ng dugo, para hayaan silang mabuhay. Gumawa rin ng isang panata ang mga pinuno ng mga tao sa kanila.
Judges 1:25Ipinakita niya sa kanila ang isang daan patungo sa lungsod. At kanilang sinalakay ang lungsod sa pamamagitan ng talim ng espada, pero hinayaan nila ang lalaki at lahat ng kaniyang pamilya na makalayo.
2 Samuel 21:7Pero iniligtas ng hari si Mefiboset anak na lalaki ni Jonatan anak na lalaki ni Saul, dahil sa sinumpaan ni Yahweh sa pagitan nila, sa pagitan ni David at Jonatan anak na lalaki ni Saul.
Ezekiel 17:13Pagkatapos ay kumuha siya ng maharlikang kaapu-apuhan at gumawa sila ng kasunduan, at pinanumpa siya nito. At dinala niya ang mga makapangyarihang tao sa lupain,
Ezekiel 17:18Sapagkat hinamak ng hari ang kaniyang panunumpa sa pamamagitan ng hindi pagtupad sa kasunduan. Tingnan mo, iniabot niya ang kaniyang kamay upang mangako, subalit ginawa niya ang lahat ng mga bagay na ito. Hindi siya makatatakas.