Joshua 6:25
Pero pinahintulutan ni Josue si Rahab ang bayarang babae, ang sambahayan ng kaniyang ama, at lahat ng kasama niya na mabuhay. Nanirahan siya sa Israel hanggang sa araw na ito, dahil itinago niya ang mga lalaking ipinadala ni Josue para magmanman sa Jerico.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 2:1Pagkatapos palihim na ipinadala ni Josue anak ni Nun ang dalawang lalaki mula sa Sittim bilang mga espiya. Sinabi niya, “Lumakad kayo, manmanan ang buong lupain, lalung-lalo na ang Jerico.” Umalis sila at dumating sa bahay ng isang bayarang babae na nagngangalang Rahab, at nanatili sila doon.
Joshua 2:6Pero dinala niya sila sa bubong at itinago sila gamit ang mga tangkay ng lino na kaniyang nilatag sa bubong.
Joshua 4:9Pagkatapos nagtayo si Josue ng labindalawang bato sa kalagitnaan ng Jordan, sa lugar kung saan ang mga paa ng mga pari na nagbuhat ng kaban ng tipan ay tumayo. At ang bantayog ay naroon hanggang sa araw na ito.
Judges 1:24Nakakita ang mga espiya ng isang taong lumabas sa lungsod, at sinabi nila sa kaniya, “Pakiusap, ipakita sa amin kung paano makakapunta sa lungsod, at magiging mabuti kami sa iyo.
Matthew 1:5Si Salmon ang ama ni Boaz kay Rahab, si Boaz ang ama ni Obed kay Ruth, si Obed ang ama ni Jesse,
Hebrews 11:31Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Rahab, ang babaeng nagbebenta ng aliw ay hindi namatay kasama ng mga suwail, dahil tinanggap niya ng may pag-iingat ang mga ispiya.