Joshua 7:11
Nagkasala ang Israel. Nilabag nila ang aking tipan na aking iniutos sa kanila. Ninakaw nila ang ilan sa mga bagay na inilaan. Ninakaw nila at pagkatapos itinago rin nila ang kanilang kasalanan sa pamamagitan ng paglalagay kung ano ang kanilang kinuha sa kanilang sariling mga pag-aari.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
10Sinabi ni Yahweh kay Josue, “Bumangon ka! Bakit ka nakadapa diyan?
Cross References
Deuteronomy 17:2Kung mayroong matagpuan sa inyo, kahit saan sa loob ng tarangkahan ng inyong mga lungsod na ibibigay ni Yahweh na inyong Diyos, sinumang lalaki o babae na gumagawa ng masama sa paningin ni Yahweh na inyong Diyos at lumalabag sa kaniyang kautusan—
Joshua 7:1Pero kumilos ng hindi tapat ang bayan ng Israel tungkol sa mga bagay na inilaan para sa pagkawasak. Si Acan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zimri na anak na lalaki ni Zera, mula sa lipi ni Juda, ay kumuha ng ilang bagay na inilaan para sa pagkawasak, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa bayan ng Israel.
Joshua 23:16Gagawin niya ito kung sisirain ninyo ang tipan ni Yahweh na inyong Diyos, na iniutos niya sa inyo para sundin. Kung pupunta kayo at sasamba sa ibang mga diyos at yumukod sa kanila, sa gayon mag-aalab ang galit ni Yahweh laban sa inyo, at mabilis kayong mamamatay mula sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.”
2 Kings 5:25Nang pumasok si Gehazi at humarap sa kaniyang amo, sinabi ni Eliseo, “Saan ka nanggaling, Gehazi?” Tumugon siya, “Diyan-diyan lang nagpunta ang iyong lingkod.”
Isaiah 24:5Ang mundo ay narumihan dahil sinuway ng mga naninirahan dito ang mga batas, nilabag ang mga kautusan, at winasak ang walang hanggang tipan.
Jeremiah 31:32Hindi na ito kagaya ng kasunduan na itinatag ko sa kanilang mga ama sa mga panahong kinuha ko sila sa kanilang mga kamay upang ilabas mula sa lupain ng Egipto. Iyon ang mga araw na nilabag nila ang aking kasunduan, bagaman, ako ay isang asawang lalaki para sa kanila. Ito ang pahayag ni Yahweh.